Wednesday, February 9, 2011

i was supposed to be there


 
hindi mo matanggap ang nangyari. hanggang ngaun e itinatanggi mo ito sa sarili mo.. parang binagsakan ka ng mundo. ndi mo alam kng sino sa mga kaibigan mo ang una mong pupuntahan.. nasaktan ka. naiwan. pero hanggang ngaun, umaasa ka pa ring magbabalik sayo ang minamahal mo.


lahat ng mga tao sa paligid mo ay nagsasabing simulan mo na ang paglimot. pero hindi mo ito magawa. dahil kahit sa pagpikit lang ng iyong mga mata, iisa lang ang iyong nakikita: ang mga alaala ng mga panahong tayo ay magkasama... mga panahong tayo pa..


tayo.. mahal kita, mahal mo ako.. nakaraang ndi ko maitatanggi na nagpasaya sa akin. na minsa'y hiniling ko rin na sana ay ndi na matapos. dumating pa nga sa puntong sayo umikot ang buhay ko.. lahat ng problema e napapagaan at nasusulusyunan.. may pag aaway man, magbabati rin at ndi aabot kinabukasan.. walang nag aakala na maghihiwalay tau. walang nag aakala na mas pipiliin kong magsolo. 


pero eto na nga... wala ng "tayo"


alam at nkikita nila ang paghihirap mo. ramdam ng iba kung gaano kita nasaktan. ndi dahil sa meron na akong iba. kung di dahil sa katotohanan na ndi ko na rin tlga nraramdaman na mahal kita.
hinihintay nila ang aking reaksyon matapos ang lahat.. hinihintay nila akong magsisi.. nakaabang sila sa oras na lalapit ako sa knilang humihingi ng tulong para magkaayos tayo.. hinihintay nila akong umiyak.. at magpaliwanag..


walang katanggap tanggap na dahilan para sa nagawa ko sayo. kaya ndi rin ako magbibigay...


pero hayaan mong sabihin ko na mahirap rin para sa akin ang ngyari. nasaktan rin ako. minsan ko na rin kinumbinsi ang sarili ko na mahalin kang uli. pinilit kong ibalik ang dati. pinilit kong bumalik ang dating ako nung nagsisimula palang tau. pero ndi ko na sha makita. kahit anino ng taong dati'y nagmamahal sayo e ndi ko na inabot. ang naiwan na lng ay ang mga bakas ng kahapon na parehong nagiging dulot ng kalungkutan sa ating dalawa, sa magkaibang paraan.


wala akong mukhang maiharap sa mga kakilala natin. tinalikuran ako maging ng mga kaibigan ko. ako ung sumira sa mga pangarap at pangakong ako mismo ang bumuo. wala rin akong mukhang maiharap sa sarili ko. sabe sa kn ng kunsensya ko: ilang relasyon pa ba ang sisirain mo? kelan ka matututong manindigan. kelan ka makukuntento...


sa ngaun, ndi ko alam kng panu ko sisimulang mabuhay uli ng mag isa.. kung saan na ako ppnta.. kung kanino ako sasama...



kung magmamahal ba akong muli, ndi ko pa rin alam..


henyo12
19aug08

(this piece was written for my multiply blog.. naglilipat blog lang... :)
image above from google, to view, click here

No comments:

Post a Comment