Sunday, March 18, 2012

PAG IBIG

*this was written 3 years ago on my multiply account (types ng lovelife).. 3 yrs ago.. 16 feb 2009 to be exact.. tamang lipat blog lang.. -- may mga dinagdag din ako..*

truly, madly, deeply - sa panahon ngaun, mailap na ang ganitong type ng love.. kng dahil ito sa technology advancement e ndi ko alam.. eto pa nman ung love na tamang tama.. ung buong buo at wala kang kahati.. ung may sarili kaung buhay ng karelasyon mo at may sarili ka ring buhay.. un nga lng, iilang tao lang ang maswerteng nakakahanap nito.. well, ndi rin nman dw ito hinahanap sabe ng iba.. kusa raw itong dumarating..

ang pagmamahal ni san lorenzo ruiz - ang martyr.. aminin man natin o hindi, nakakatanga ang love.. ung tipong ilang beses ka ng niloko.. tatangapin mo pa rin lahat ng palusot nya.. ung kahit na mukha ka na lng robot o genie e sha lang ang master mo.. kung anu cnbe nya, un na un.. wla kang choice.. sha lang.. un lng ung choice mo..

oldies but goodies - mga lovelife ng merong may-december love affair.. ung tipong old enuf na ung partner mo to be your mom, dad, aunt o uncle.. ok rin dw to sabe ng iba kc at least ndi ka na makikipag buno sa mga ka-immaturan at pagiging isip bata ng partner mo.. at shmpre, iba rin un marami kang natututunan sa partner mong mas nkatatanda...ang hassle lng dto e prone ito sa instant family shit.. ung iba may anak na from nkalipas, na shmpre.. mahirap tanggapin lalo ng ng family mo..

telenove-love - ang pag ibig na ndi nawawalan ng eksena.. paboritong pag usapan ng barkada mo kc nga, kung ndi man ikaw, ung partner mo ang papampam.. andung kapag nag away e naghahabulan kau like crazy at nagsisigawan na parang wla kaung ksama.. ung tipong iiyak ka kht maraming tao and stuff.. bsta.. telenovela ang dating..

online love (ldr na high tech) - not necessarily na ldr pero dto nman tlg nauuwe ang ldr.. sadly.. ang love na napuno ng mga emoticon.. ang love na nakakapag palabo ng mata lalo na kng wlang protective thing ung screen ng laptop o desktop mo.. ang love na nkakapag palaki ng eyebags lalo na kng malaki ang time diff nyo ng partner mo.. ang love na mahirap patunayan.. dahil ndi porket lagi kaung mgkausap/chat/tx or skype.. mahal ka tlg nya.. gets??

ldr (old school) - wla mashado nito ngaun.. ung tipong may snail mails.. may surprise gifts from the other side of the world.. surprise visits.. at halos lhat ng surprise.. ung kht na ndi kau mashadong nakakapag usap pro kpg nkapag usap kau, e wow... pro shmpre, dhil sa teknolohiya natin ngaun, pauso ko na lng to... ahahaha.. pwde nman magpdala ng online na rose sabay emoticon na *hugtyt*

gay/lesbian love - sbe nila lalo na pra sa lesbians, ito lng dw ung mga babaeng na-trauma dahil niloko ng mga bf.. ewan ko kng totoo.. pro may mga gnitong type ng rel na nagtatagal nman tlg.. kasalanan ba ung magmahal.. ndi nmn.. may mga tao ngang kahit galing na sa isang straight na relationship, mas nagiging masaya sa bent..

switch - ang love na on and off.. marami nito lalo na sa panahon ngaun.. maraming tao ang magulo pa ang isip kesa sa gulo ng gobyerno sa pinas.. ndi na rin ata uso ang pasensha ngaun at ang alam na lng ng tao na pasensha e ung nkakain.. kya aun, madalas, away bati.. on at off..

nosebleeding love / foreign love - ang pagmamahal na nkaka nosebleed.. dhil shmpre, pocahontas at john smith ang dating.. mauubos ang english na napag aralan mo mula gradeschool kpag ibang lahi ang partner mo.. swerte mo kng marunong kang magsalita ng lenggwahe nila (kng ndi sila kano)..madalas din mapulaan ang lovelife na ito kc shmpre.. magmumuka kang manggagamit.. pra sa greencard? pra sa pera? o sa trabaho? o bsta, pra sa mas magandang buhay?

forever friends 1 - ang mga taong napako sa friend zone.. kadalasan, sarili mo lng ang ka-eksena mo kc ang tanging role mo lng sa story ng buhay nya e bilang isang malapit/matalik/pinakapinagkakatiwalaan na kaibigan.. lahat ng trash nya e nkikinig ka.. lagi kang nasa tabi nya.. ikaw ang unang nakakaalam kpg magkaaway sila ng taong gusto mong agawin ang pwesto sa buhay nya.. pro ang ending, you're always the friend, never the one..
     forever friends 2 - gaya ng description sa 1 pero eto ung may pag asa... kaya lang mga taong in denial.. mga matatalik na magkakaibigan na nagka-ibigan pero parehong.. mahina ang loob.. takot lumevel up.. madalas nauuwe sa selosan pag may kanya kanyang partner.. pero walang ginagawang paraan..

at lastly.. ung tinatawag na (quote from the L word) ang show-mance.. tipong mga pakitang pag ibig lang.. para lang mapaniwala ang certain people.. lam nyo un.. gnun.. kadalasang nangyayari sa mga taong papansin.. pabida.. at ung mga nasa showbiz..

No comments:

Post a Comment