Wednesday, February 9, 2011

i was supposed to be there


 
hindi mo matanggap ang nangyari. hanggang ngaun e itinatanggi mo ito sa sarili mo.. parang binagsakan ka ng mundo. ndi mo alam kng sino sa mga kaibigan mo ang una mong pupuntahan.. nasaktan ka. naiwan. pero hanggang ngaun, umaasa ka pa ring magbabalik sayo ang minamahal mo.


lahat ng mga tao sa paligid mo ay nagsasabing simulan mo na ang paglimot. pero hindi mo ito magawa. dahil kahit sa pagpikit lang ng iyong mga mata, iisa lang ang iyong nakikita: ang mga alaala ng mga panahong tayo ay magkasama... mga panahong tayo pa..


tayo.. mahal kita, mahal mo ako.. nakaraang ndi ko maitatanggi na nagpasaya sa akin. na minsa'y hiniling ko rin na sana ay ndi na matapos. dumating pa nga sa puntong sayo umikot ang buhay ko.. lahat ng problema e napapagaan at nasusulusyunan.. may pag aaway man, magbabati rin at ndi aabot kinabukasan.. walang nag aakala na maghihiwalay tau. walang nag aakala na mas pipiliin kong magsolo. 


pero eto na nga... wala ng "tayo"


alam at nkikita nila ang paghihirap mo. ramdam ng iba kung gaano kita nasaktan. ndi dahil sa meron na akong iba. kung di dahil sa katotohanan na ndi ko na rin tlga nraramdaman na mahal kita.
hinihintay nila ang aking reaksyon matapos ang lahat.. hinihintay nila akong magsisi.. nakaabang sila sa oras na lalapit ako sa knilang humihingi ng tulong para magkaayos tayo.. hinihintay nila akong umiyak.. at magpaliwanag..


walang katanggap tanggap na dahilan para sa nagawa ko sayo. kaya ndi rin ako magbibigay...


pero hayaan mong sabihin ko na mahirap rin para sa akin ang ngyari. nasaktan rin ako. minsan ko na rin kinumbinsi ang sarili ko na mahalin kang uli. pinilit kong ibalik ang dati. pinilit kong bumalik ang dating ako nung nagsisimula palang tau. pero ndi ko na sha makita. kahit anino ng taong dati'y nagmamahal sayo e ndi ko na inabot. ang naiwan na lng ay ang mga bakas ng kahapon na parehong nagiging dulot ng kalungkutan sa ating dalawa, sa magkaibang paraan.


wala akong mukhang maiharap sa mga kakilala natin. tinalikuran ako maging ng mga kaibigan ko. ako ung sumira sa mga pangarap at pangakong ako mismo ang bumuo. wala rin akong mukhang maiharap sa sarili ko. sabe sa kn ng kunsensya ko: ilang relasyon pa ba ang sisirain mo? kelan ka matututong manindigan. kelan ka makukuntento...


sa ngaun, ndi ko alam kng panu ko sisimulang mabuhay uli ng mag isa.. kung saan na ako ppnta.. kung kanino ako sasama...



kung magmamahal ba akong muli, ndi ko pa rin alam..


henyo12
19aug08

(this piece was written for my multiply blog.. naglilipat blog lang... :)
image above from google, to view, click here

Tuesday, February 8, 2011

DRAINED



i’m drained…


emotionally..


mentally..


physically…


i need something.. something that i've been lacking for more than a couple of years now.. the thing that most of you guys call peace of mind.. i'm not asking for an eternal bliss.. i'm merely asking for a piece.. a piece of.. peace of mind.. it can be for a day (if i’d be that lucky).. or maybe just for a night.. just before i sleep…


i am the soldier who is in the middle of a battle who needs to retire his armor.. his combat boots.. the soldier who has nothing left but 1 magazine of ammo.. i need a reload.. for myself…

i am the surgeon.. who is tired of suturing.. who has lasted 48 straight hours in the OR.. i need a break..

i am the homo who wants an understanding.. i would want one day.. to not be criticized while i walk down the street.. one day that i wont be judged because of my preference.. if i could just have that one day..

i am an elder.. who needs to be cared for.. or simply be noticed.. whom i think will be long gone when someone remembers…

i am the prostitute.. who needs to be taken seriously when i say i want to change.. who needs to be treated as a person and not just a piece of meat.. the prostitute who needs a second shot at life…

i am the rebel.. who needs to be guided.. not to be used by certain people for their own gain..

i am the youth.. who needs to learn.. who needs hope from all you guys who’s running my country.. who needs hope from home.. from everyone around me…

i am….


henyo12
25nov09

(this piece was written for my wordpress blog.. naglilipat blog lang... :)
image above from google, to view, click here

Thursday, February 3, 2011

KAILAN PA

sa likod ng iyong isang masayahing mga mata..
ay may isang kaawa awang bata..
nagkukubli sa liwanag ng iyong mga ngiti…
pero lungkot ang nakikita sa kanyang mga labi..
isang nilalang na napag iwanan ng panahon..
isang tao na naiwan sa kahapon..


mga problemang pilit mong itinatago..
mga multong pilit nagbibigay ng pagkabigo..
hindi mo alam kung san tutungo..
hindi mo alam kung kanino talaga dapat lumayo..


walang tumutulong dahil hindi nila alam..
ang mga tawa mo, sadja palang hiram…

hanggang kelan ka magtatago.. mag iisa..
sa mundong ikaw lang ang nakakakita..


henyo12
12may09
(this piece was written for my wordpress blog.. naglilipat blog lang... :)

Wednesday, February 2, 2011

KUNG HEI FAT CHOI

3 out of 5 people that i meet the first time will always think i'm chinese/singaporean/korean before i speak.. then they'll realize i'm not, so there will be a few seconds of awkward silence.. i figured to start publishing my blog on the eve of the chinese new year 2011..  since everyone thinks i'm chinese..  (actually, i have 25% chinese blood courtesy of my dad, courtesy of his dad..)

Pero dahil pilipino talaga ako.. mas gagamitin ko ang aking sariling wika sa mga susunod pang mga blog.. at dahil marunong din naman akong mag english.. i would want to use the language from time to time..

Ang nakaraang taong 2010 ay nagbigay sa akin ng malaking pagsubok at matalinhagang leksyon.. bawat isa, imbes na magbigay ng linaw sa mga tanong ko sa buhay, lalong nagpalabo.. May ilang tanong na nasagot.. May mga bagay  na naging mas madali.. May mga bagay na naging mas kumplikado..

Ngayong 2011, may magbabago.. Ewan kung naisip or napagdesisyunan ko lang to kase naapektuhan ako ng new moon kase nga chinese new year.. Ayoko nang  magtago.. Ayoko ng magpigil.. Ayoko ng magbigay sa mga taong abusado (sinadya man nila o hindi).. Magiging praktikal na ako, mas iisipin ko na ang aking sariling pangangailangan habang nagbibigay pa rin ng pasintabi sa pakiramdam ng iba..

Nakaka dalawang bagong taon na ako para sa 2011 pero hindi ko pa rin makuha ang hinihintay kong bagong simula.. Alam ko namang andyan lang yun sa tabi tabi.. Alam kong parating na at baka na-delay lang ng konti ang byahe.. O kaya, baka nasa harap ko na pero ayaw ko lang tanggapin...

2011, maligayang pagdating sa buhay ko.. Sana mag enjoy at matuto tayong pareho!!!!